Pages

Thursday, March 13, 2014

30-meter easement, hindi lang para sa beach front ng Boracay ayon sa DOT

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Hindi lamang umano para sa beach front ng Boracay ipinapatupad ang 30-meter easement rule kundi maging sa lahat na establisyemento sa buong isla.

Ayon kay DOT Boracay Officer In-charge Tim Ticar, bibigyan pansin din umano ng Boracay Redevelopment Task Force ang iba pang mga imprastraktura sa Boracay kabilang na ang mga residential area na lumabag rin sa 30-meter easement rule matapos ang kanilang clearing ngayong buwan ng Marso sa beach front.

Napag-alaman na ilan pang mga business establishments sa beach front ang lumabag sa nasabing easement rule na ipinag-uutos na ring patanggalin.

Samantala, mismong ang Task Force na rin ang nag-demolished ng mga imprastraktura ng mga establisyementong hindi nag-voluntary demolish ng kanilang “illegal structures.”

Sa kabilang banda pito pang mga business establishments sa beach front ang binigyan ng deadline hanggang ngayong araw ng Sabado para tanggalin ang kanilang ilegal na straktura.

Kamakailan lang ay ininspeksyon ni Tourism Secretary Ramon Jimenez at DILG Secretary Mar Roxas ang mga business establishments sa Boracay na sumunod sa Presidential Proclamation 1064.

No comments:

Post a Comment