Pages

Thursday, March 13, 2014

Isa pang Public Hearing hinggil sa Base Market Values para sa Boracay at Malay, aprobado na sa SP Aklan

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Aprobado na sa SP Aklan ang hirit ng mga stake holders mula sa isla ng Boracay at bayan ng Malay na magkaroon ulit ng Public Hearing hinggil sa Base Market Values.

Sa ginanap na 9th Regular Session kaninang umaga ay pinag-usapan sa plenary ang nasabing isyu, kung saan ikinonsidera ang hiling ng mga stake holders mula sa Boracay at Malay.

Bagay na napagkasunduan naman ng konseho na muling magkaroon ng public hearing hinggil sa General Revision ng Schedule of Base Market Values para sa residential, industrial at commercial lands sa probinsya.

Kaugnay nito, muli namang nilinaw ni Vice Governor Gabrielle Calizo Quimpo na ang nasabing panuntunan sa bagong bayarin tungkol sa buwis ay proposal pa lamang at hindi pa naisasapinal.

Samantala, inaalam pa ngayon ang availability ng Aklan Provincial Assessor at SP Aklan para sa itatakdang schedule ng public hearing.

Matatandaang hiniling sa nakaraang pagpupulong ng mga stake holders mula sa Boracay at Malay sa SP Aklan na magkaroon ulit ng public hearing at ilipat ang venue malapit sa mga nasabing lugar para mas marami ang makakaalam.

No comments:

Post a Comment