Pages

Wednesday, March 12, 2014

Ordinansa kaugnay sa Fire Dancing Show sa Boracay nasa 2nd at final reading na ng SB Malay

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

DSC_0797-1
Nasa second at final reading na ng SB Malay ang ordinansa kaugnay sa Fire dancing show sa isla ng Boracay.

Ito’y matapos na muling talakayin ang ordinansang ini-akda ni SB Malay Frolibar Bautisata na nagre-regulate sa mga fire dancers sa isla.

Ayon kay SB Member Rowen Aguirre aprobado na ang nasabing ordinansa sa 3rd at final reading sa susunod na session.

Bagamat matagal ding inantay ni Bautista ang magiging resulta ng kaniyang inihaing ordinansa tungkol dito kung saan umaasa naman ito na mabibigyan ng sakatuparan.

Sa kabilang banda nilinaw naman ng Department of Tourism na hindi tatanggalan ng trabaho ang mga fire dancers sa isla dahil ito ang kanilang pinagkukunan ng hanap buhay.

Ngunit sa kabila nito nais ng DOT na kontrolin ang ganitong gawain upang maiwasang ma-pollute o masira ang puting buhangin ng isla ng Boracay.

Samantala, sakaling maging isang ganap na itong batas ng LGU Malay maaaring maharap sa ibat-ibat penalidad ang isang fire dancing show kapag mapatunayang lumabag sila batas.

No comments:

Post a Comment