Pages

Monday, March 24, 2014

Mga E-Trike sa Boracay, allowed nang pumila sa Cagban Jetty Port para kumuha ng pasahero

Posted March 24, 2014 as of 4:00 pm
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Pinapayagan nang pumila para kumuha ng pasahero sa Cagban Port ang nasa mahigit 22 na mga Electric Tricycle (E-Trike) sa Boracay.

Sinabi ni E-Trike Program In Charge Dante Pagsugiron, na sa isinagawang pagpupulong kay Aklan Governor Joeben Miraflores at Jetty Administration, napagkasunduan na anumang oras ay maaari nang pumasok ang mga E-Trike at pumila sa Cagban Jetty Port.

Subalit nilinaw nito na dapat kumpleto ang mga dokumento ng mga nasabing E-Trikes.

Ibig sabihin, kasama na umano rito ang pagkakaroon ng sticker at iba pang mga papeles na kinakailangan bago makapagpila.

Samantala, nilinaw naman ni Pagsugiron na ang kasalukuyang taripa sa pamasahe ng mga E-Trike ay ang taripang  inaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Malay.

Ibig sabihin, ang taripa umanong ginagamit ng mga tricyle na kulay yellow at blue ay ganun din sa mga E-trike.

Nabatid rin na ang Gerweiss Motors Corporation, ELAIE Green Corporation, Tojo Motors Corporation at PROZZA ang mga supplier ng naturang mga E-Trike sa isla.

Target naman ng lokal na pamahalaan na sa taong 2015 ay mapalitan na ang mga conventional na tricycle ng E-Trike.

Bukod kasi anya sa iwas ‘noise at air pollution’, makakatipid pa ang mga driver kapag E-Trike na ang kanilang gagamitin.

No comments:

Post a Comment