Pages

Tuesday, March 25, 2014

Singil sa NBI clearance, tataas ngayong Abril - PESO Aklan

Posted March 25, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nagplabas ng paalala ang Public Employment Service Office o PESO Aklan kaugnay sa bagong singil sa pagkuha ng National Bureau of Investigation (NBI) clearances.
Itoy basi sa memorandum ni Secretary Leila M. De Lima ng Department of Justice kay Director Virgilio L. Mendez ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa pagtaas ng singil ng NBI clearance simula sa Abril 1, 2014.

Nakasaad sa Administrative Order No. 31 na may petsang Oktubre 1, 2012 ang “directing and authorizing all heads of Departments, Bureaus, Commissions, Agencies, Offices at Instrum, entalities ng National Government kabilang ang Government-Owned at Controlled Corporations (GOCCs) upang isakatwiran ang mga singil at bagong bayarin.

Nabatid na mula sa dating P415 na binabayaran ng NBI clearance applicants para sa “purpose” na Naturalization, Cancelation of ACR at Repatriation, gagawin na itong P500.

Kabilang din sa itinaas ang clearance para sa Change of Name, Business license, NFA, SEC, TCB, Adoption, POEA, PRA Requirement at Permit to Carry Firearms, P200 na ang halaga ng bayad mula sa dating P165.

Para sa applicants ng clearance for Travel Abroad, Visa, Immigration Requirement, Visa Seaman, Seaman’s book, TCB for RTO, Local Employment, Custom Pass ID Enlisted AFP, DND, DOT Requirement, ID Purposes  na dating  P115 ay itinaas ito sa P200.

Napag-alaman kung bakit nag taas ng singil ang NBI ay dahil para mapapagaan umano ang cashiering system, pagsusukli sa mga butal o barya at madaragdagan pa ang koleksiyon ng gobyerno na maaring gamitin sa pagpapaunlad pa ng sistema.

No comments:

Post a Comment