Pages

Monday, March 24, 2014

Paggunita sa XIX Martyrs of Aklan, matagumpay na idinaos

Posted March 24, 2014 as of 12 noon
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Non-working holiday tuwing March 23 sa probinsya ng Aklan.

Ito’y dahil sa taunang ginugunita ang kabayanihan ng XIX Martyrs of Aklan sa panahon ng pananakop ng mga kastila sa lalawigan.

Kaugnay nito, masayang idinaos ang selebrasyon kahapon kung saan dinaluhan ng ilang mga mataas na opisyal ng probinsya.

Isinagawa naman ang programa sa pamamagitan ng pag-alay ng mga bulaklak sa XIX Martyrs marker sa S. Martelino St. at Archbishop Reyes St. sa bayan ng Kalibo, kung saan ikinulong at tinurture ang mga bayaning Aklanon.

Sinundan naman ito ng civic-military parade at 21 gun salute na pinangunahan ng Philippine Army.

Naging panauhing pandangal sa nasabing selebrasyon si Magdalo partylist Rep. Gary Alejano, kung saan sinabi nito na ang kagitingan ng mga naunang Pilipino ay magsisilbing inspirasyon sa mga susunod na henerasyon na huwag matakot na ipaglaban ang karapatan.

Samantala, nabatid na nakasaad sa Republic Act No. 7806, na tuwing ika-23 sa buwan ng Marso ay Special Public Holiday sa buong probinsya.

Sa Aklan Freedom Shrine naman makikita ang ipina-ukit na 19 na mga monumento ng XIX Martyrs bilang simbolo ng pagkilala sa kanilang ginawang kabayanihan para sa kalayaan.

No comments:

Post a Comment