Pages

Thursday, March 13, 2014

12 sachet at 4 na bulto ng shabu, nasabat sa dalawang magkahiwalay na buy bust operation sa Boracay

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Timbog ang anim na suspek na karamihan ay kababaihan matapos mahuling nagtutulak ng illegal na droga sa isla ng Boracay.

Sa magkahiwalay na buy bust operation na isinagawa ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Provincial Anti-Illegal Drugs and Special Operations Task Group (PAIDSOTG).

Nasa 12 sachet at apat na bulto ng shabu ang nasabat sa magkaparehong lugar sa So. Ambulong, Manoc-manoc Boracay.

Ayon sa blotter report ng Boracay PNP Station, unang sinalakay ng mga otoridad ang isang apartment sa nasabing lugar kung saan dalawang babaeng Taiwanese national, isang pinay at isang bading na pinoy ang naaresto.

Nakilala ang mga suspek na sina Chi Ping Chou alyas “Sophia” 44-anyos, Chia Huei Ma alyas “Chia-Chia” 27-anyos, Jomar Celorico y Degala alyas “John-john” 20-anyos ng Punta Libas, Roxas City, Capiz at Vangie Inoc y YbaƱez ng Lapu-lapu City Cebu.

Nakuha sa control at posisyon ni Sophia ang 12 ng shabu habang cellphone na naglalaman naman ng mga transaksyon para sa illegal na droga ang nakuha sa tatlong iba pa.

Samantala, nasundan pa ang nasabing pangyayari nang isagawa ang isa pang buy bust operation sa isang hotel sa nasabi ring lugar.

Apat na bulto ng shabu o hindi pa na-repack na shabu ang nakuha sa dalawa ring babaeng suspek na sina Rheafaye Thomas y Santigao, 23-anyos at Mariel Joyce Kiling y Roxas, 20-anyos parehong taga Pasay City Maynila.

Nakumpiska rin ang dalawang sachet ng shabu at isang libong piso galing sa poseur buyer.

Nahaharap naman ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002.

No comments:

Post a Comment