Pages

Wednesday, February 19, 2014

SB Malay, masayang nakatulong sa anim na bayan sa Aklan na hinagupit ni Yolanda

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Masayang nakatulong ang SB Malay sa anim na bayan sa Aklan na matinding hinagupit ni Super Typhoon “Yolanda” nitong nakaraang taon.

Kahapon ay pormal na natanggap ng SB Malay ang sulat na naglalaman ng pasasalamat mula sa anim na bayan sa Aklan na kanilang nabigyan ng financial assistance.

Kabilang sa mga ito ay ang bayan ng Banga, New Washington, Libacao, Altavas, Balete at Batan mula sa limang porsyentong calamity fund ng munisipalidad ng Malay.

Nabatid na tig-iisang daang libong piso ang ibinigay ng LGU Malay sa mga nabanggit na bayan kung saan nakaranas ng matinding pananalasa ni Yolanda.

Samantala, nauna nang nagpaabot ng pormal na pasasalamat ang bayan ng Banga sa lokal na pamahalaan ng Malay na agad namang sinundan ng bayan ng Balete at New Washington.

Matatandaang na napagkasunduan ng SB Malay ang pagbibigay ng tulong sa mga kababayan sa Aklan na naapektuhan ng bagyo.

Sinabi pa ng SB Malay na bago nila tulungan ang ibang lugar sa bansa ay mas gusto muna nilang unahing tulungan ang kanilang province mate sa oras ng pangangailangan.

No comments:

Post a Comment