Pages

Wednesday, February 19, 2014

Tambisaan port hinahanda na sa pagpasok ng Habagat

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Inaasahang magiging komportable na ang mga turista at biyaherong dadaan sa Tambisaan Port sa Manoc-manoc sa pagsapit ng Habagat.

Ayon kay Manoc-manoc Barangay Captain Abram Sualog, naipaayos na rin nila ang natibag na bato na bahagi ng pantalan na nasira nitong mga nakarang buwan matapos hampasin ng malalakas na alon dulot ng hanging habagat.

Maliban dito ipapaayos na rin umano nila ang bubong ng nasabing pantalan na sinira ng bagyong Yolanda.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Sualog na magiging safe ang mga pasaherong dadaan dito pagsapit ng habagat.

Ang Tambisaan Port ang siyang nagsisilbing pantalan para sa mga pasaherong turista o residente man ng Boracay kapag dumating ang Habagat Season.

No comments:

Post a Comment