Pages

Wednesday, February 19, 2014

Singil sa kuryente ngayong Pebrero, bumaba

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Magandang balita sa mga member-consumer ng AKELCO.

Magpapatupad ng tapyas sa singil ng kuryente ang Aklan Electric Cooperative (AKELCO) ngayong buwan ng Pebrero.

Sa kalatas na ipinalabas ng AKELCO, halos mahigit sa piso ang ibinaba ng kanilang rate para sa residential consumers.

Kung saan, nitong nagdaang buwan ng Enero ay nasa P12.76/kwh ang singil sa residensiyal, simula naman ngayong Pebrero ay magiging P10.8 lamang ito.

Samantala, para naman sa komersiyal na mga konsyumer, dalawang piso ang ibabawas mula sa presyo nitong P11.93 at ngayon ay P9.89 na lamang.

Ayon sa AKELCO, ang dahilan ng pagbaba sa singil nila ay resulta ng pagbaba din ng generation charge o binibiling kuryente ng AKELCO, matapos maayos ang NGCP 69kv transmission lines na nasira dala ng bagyong Yolanda.

Pero paalala parin ng kooperatiba sa mga konsyumer, na posible paring tumaas ulit o bumama ang singil sa kuryente, depende sa demand, generation charges at system loss o mga nasasayang na enerhiya.

Bunsod nito, muling nagpa-alala ang AKELCO na magtipid parin sa pag-gamit ng kuryente.

No comments:

Post a Comment