Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Patuloy ang kampanya ng RHU o Rural Health Unit ng Malay sa
Boracay laban sa HIV o Human immunodeficiency Virus at iba pang sakit.
Katunayan, ayon kay Malay Health Education Promotion
Officer Arbie Aspira, nag-iikot sila sa ibat-ibang mga establisyemento sa isla
ng Boracay para magbigay ng paalala sa mga manggagawa at maging sa mga sex
workers dito tungkol sa HIV at iba pang uri ng karamdaman.
Isa umano ito sa mga paraan upang maiwasan partikular ang
pagtaas ng bilang ng mga nabibiktima ng HIV.
Hangad din umano kasi ng RHU na maging malinis at malayo
sa sakit ang lahat ng mga manggagawa sa Boracay lalo na’t ito’y isang pangturismong
lugar.
Dagdag pa ni Aspira, welcome sa kanila ang mga gustong
magpa-lecture para maiwasan ang ibat-ibang sakit na maaaring dumapo sa isang
tao.
Muli ding nagpaalala ang RHU sa lahat ng mga manggawa at mamamayan
sa Boracay na laging magpakunsulta sa doktor lalo na sa tuwing may maramdamang
kakaibang sakit.
Matatandaang naging kontrobersyal noon ang Boracay dahil
sa pagdami ng mga sex workers na kung saan-saan pa nagmumula.
No comments:
Post a Comment