Pages

Wednesday, February 12, 2014

Bolabog at Bloomfield area, pinabantayan na sa MAP dahil sa mahabang trapiko dulot ng Boracay Drainage Project sa Balabag

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pinabantayan na sa MAP ang Bolabog at Bloomfield area dahil sa mahabang trapiko dulot ng Boracay Drainage Project sa Balabag.

Aminado kasi si Municipal Auxiliary Police Chief Rommel Salsona na marami na silang natatatanggap na reklamo mula sa mga commuters at motorista dahil sa nasabing problema.

Sinabi pa ni Salsona na marami na ring mga motorista ang dumadaan sa Bloomfield area para maka-iwas sa mahabang trapiko sa main road Balabag.

Pinayuhan din nito ang mga motoristang didiritso ng Cagban Jetty Port na huwag nang gumamit ng flat road, at sa halip ay sa backdoor na dumaan para hindi makadagdag sa mahabang trapiko.

Ang back door na tinutukoy ng MAP ay ang daan sa Lying Inn Clinic at liliko sa Lake Town papuntang Bloom Field nalang ang gamitin.

Matatandaang humingi ng paumanhin at pang-unawa sa publiko ang contractor ng Boracay Drainage Project dahil sa mahabang trapikong dulot ng kanilang proyekto. 

No comments:

Post a Comment