Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Bakit brown out?
Anong oras babalik ang suplay ng kuryente?
Ano ang sabi ng AKELCO?
Ilan lamang ito sa mga katanungang natanggap ng aming himpilan kaugnay
sa nangyaring power interruption nitong Sabado sa isla ng Boracay.
Base sa text message ni Engr. Joel Martinez ng AKELCO o Aklan Electric
Cooperative.
Isang transmission pole o poste ng NGCP o National Grid Corporation of
the Philippines ang natumba sa bayan ng Banga, Aklan nitong Sabado ng hapon,
dahilan upang pansamantalang maputol ang suplay ng kuryente sa isla.
Naputol umano kasi ang guy wire nila kung kaya’t bumagsak ang nasabing
poste.
Kaagad namang inayos ng mga taga AKELCO ang bumagsak na poste at
naibalik ang normal na suplay ng kuryente bandang alas 9:45 ng gabi.
No comments:
Post a Comment