Pages

Tuesday, February 18, 2014

Pagdami ng banyagang turista na biktima ng petty crimes sa Boracay, ikadismaya ng DOT

Ni Jay-ar  M. Arante, YES FM Boracay

Maging ang Department of Tourism o DOT Boracay ay dismayado na rin sa pagdami ng mga banyagang biktima ng petty crimes sa isla.

Ayon kay DOT Boraray Officer In-charge Tim Ticar, pangit sa imahe ng Boracay ang pagtaas ng bilang ng mga turistang nabibiktima ng kriminalidad katulad ng snatching, pick pocketing at mauling incidents o pambubugbog.

Sinabi pa ni Ticar na nakapag-usap na sila ng bagong Boracay PNP Chief na si Senior Inspector Mark Evan Pedregosa Salvo tungkol dito.

Kung saan magiging hamon umano ito sa bagong hepe ng Boracay PNP na halos isang linggo pa lamang sa kanyang panunungkulan.

Samantala, sinabi naman umano ni Salvo sa kaniya na gagawa sila ng aksyon para maiwasan ang pambibiktima sa mga dayuhang turista.

Tiwala naman si Ticar na magagawan ito ng paraan ng hepe dahil sa wala din umanong tigil ang ginagawang pagpapatrolya ng mga kapulisan sa Boracay.

Nabatid na patuloy sa ngayon ang ginagawang pagpupulong ni Salvo sa ibat-ibang stakeholders sa Boracay para malaman ang kanilang hinaing tungkol sa siguridad ng isla.

No comments:

Post a Comment