Pages

Tuesday, February 18, 2014

Para iwas abala, mga kumukuha ng Police Clearance, pinayuhan ng Boracay PNP

Ni Bert Dalida Yes FM Boracay

Kumpletuhin muna ang mga requirements bago pumunta sa police station para hindi maabala.

Ito ang payo ng mga taga Boracay PNP sa mga empleyado sa isla na kumukuha ng police clearance bilang isa sa mga requirements sa pag-renew ng business permit.

Marami parin umano kasi ang pabalik-balik sa police station para tingnan kung ‘ok’ na ang kanilang police clearance.

Subali’t ang siste, marami paring aplikante ang pumapasa ng mga dokumento na kulang ang pag-fill up katulad ng resume at biodata.

Kadalasan din umanong hindi pa napipirmahan ang kanilang sedula, bagay na naantala rin ang pagproseso ng police clearance lalo na kapag sabayan ang mga kumukuha.

Kaugnay nito, sinabi ng mga taga Boracay PNP na makabubuting siguraduhin muna ng mga aplikante na tama o kumpleto ang kanilang mga papeles bago ipasa.

Dapat din umanong original na kopya ng Barangay Clearance ang kanilang dadalhin, kasama ang pirmadong sedula na may mga thumb mark na.

Paalala pa ng mga taga Boracay PNP na dapat tatlong piraso ang kanilang dalang ID picture na may white back ground, at may pangalan o name tag para hindi mawala.

Kapansin-pansin na palaging sumisikip ang himpilan ng pulis sa isla sa tuwing renewal ng business permit dahil sa dami ng mga pumipila para kumuha ng police clearance. 

No comments:

Post a Comment