Pages

Tuesday, February 18, 2014

DOT, nakapagtala ng pinakamaraming turistang sakay ng cruise ship sa Boracay

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nakapagtala ang Department of Tourism o DOT ng pinakamaraming turistang sakay ng cruise ship na dumaong sa isla ng Boracay.

Ang MS Costa Victoria na dumating bandang alas-siyete ng umaga kanina ay may sakay na mahigit 2, 000 na mga pasahero na nag-island cruise tour sa Boracay.

Ayon kay DOT Boracay Officer In-charge Tim Ticar, ito ang kauna-unahang barko na maraming mga pasahero ang bumaba mag island hopping at mamasyal sa ibat-ibang lugar sa isla.

Aniya, kinulang sila ng mga staff na magbibigay ng sombrero at lei sa mga turistang bumababa mula sa nasabing cruise ship dahil sa sobrang dami ng mga ito.

Hindi naman nag pahuli sa pag-welcome ang Provincial government maging ang LGU Malay sa mga turista kung saan kusa na rin silang tumulong sa pagsabit ng lei sa mga bisita.

Dakong alas-dos ng hapon kanina ang departure ng MS Costa Victoria sa isla ng Boracay diritso sa kanilang susunod na destinasyon sa Hong Kong.

Nabatid na ito ang pinakahuling cruise ship na dumaong sa Boracay ngayong buwan ng Pebrero at inaasahang tatlo pang mga cruise ship ang bibisita sa isla sa susunod na buwan.

No comments:

Post a Comment