Pages

Monday, February 10, 2014

Air Ambulance para sa Boracay, pinaghahandaan pa - DOT Boracay

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

“In preparatory at pag-uusapan pa lamang”

Ito ang kinumpirma ni Department of Tourism (DOT) Boracay Officer In Charge Tim Ticar, hinggil sa planong pagkakaroon ng Air Ambulance sa isla ng Boracay.

Aniya, bagamat nasa provincial government ang desisyon kung kailan ipapatupad ang nasabing plano.

Sinabi naman nito na inaantay din ng DOT ang itatakdang pagpupulong kung kailan ang pagpapatupad ng Air Ambulance sa isla.

Nabanggit rin nito na kapag matutuloy ang pagpapagawa ng isa pang ospital sa Boracay ay marahil hindi na rin itutuloy ang nasabing Air Ambulance.

Samantala, ipinaliwanag rin nito na ang planong pagkakaroon ng Air Ambulance ay bilang paghahanda na rin sa pagho-host ng isla sa darating na APEC Summit na gaganapin dito.

Maliban pa rito, ay mapapadali narin ang pag-responde sa mga malalaking aksidente o insidente na mangyayari sa isla.

No comments:

Post a Comment