Pages

Wednesday, February 05, 2014

BRTF, humihingi ng sapat na panahon kaugnay sa sea wall demolition sa Boracay

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Humihingi ngayon ng sapat na panahon ang BRTF o Boracay Redevelopment Task Force kaugnay sa sea wall demolition sa Boracay.

Ayon kay BRTF Secretary Mabel Bacani.

May stages o proseso umano silang sinusunod upang matiyak na hindi masira ang beach ng isla at upang mapangalagaan ang propidad ng mga apektadong establisemyento dito.

Aminado kasi ang BRTF na hindi nila inaasahang mawa-wash out o matatangay pabalik sa dagat ang mga tinambak na buhangin, matapos ibaon ng demolition ang mga tinibag na sea wall.

Tumabon din umano sa mga sea grass ang mga buhangin kung kaya’t kailangan umano itong ibalik sa kanyang kinalalagyan.

Samantala, sinabi pa ni Bacani na ang mga nakabaong pipes o tubo ng tubig doon ang dahilan kung bakit naging mababaw lang ang kanilang hukay para sa mga ibabaong debris.

Iginiit din nito na kailangang ibaon ulit ang mga naglitawang debris upang maging pundasyon, subali’t hahakutin na lamang ng truck ang mga pwedeng hakutin.

Halos mag-iisang buwan na ang nakalipas nang ipatibag ng BRTF ang mga sea wall sa beach front ng isla.

No comments:

Post a Comment