Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
“Caught in the act” ng mga taga Boracay PNP Station
ang dalawang suspek sa baybayin ng Balabag Boracay matapos na pinalo ng bote
ang dalawang turista.
Nakilala sa blotter report ng Boracay PNP Station
ang mga biktima na sina Stephan Raphael Linder, 27, isang Swedish national at
kasamang nitong babae na si Mariah Riazanova, 27, Russian national.
Ayon sa report, nahuli umano ang mga suspetsado na
nakilala kina Joseph Gregorio Salibio, 21, ng Romblon at Bernard Cabanus
Villamor, 23 ng Mambusao Capiz na nilapitan ang dalawang biktima na naka-upo sa
baybayin at saka pinalo ng bote ng beer.
Dagdag pa ng mga pulis, tinitingnan nila ngayon ang
anggulo ng pagnanakaw ng mga suspetsado sa mga turista.
Kasaluluyan naman sa ngayon na nasa Boracay PNP
Station ang mga suspek at nahaharap sa kasong Physical injury at Resistance and
Disobedience upon agent of person in authority dahil sa nanlaban pa ito sa mga
pulis at nakipaghabulan ng mahuli sa akto.
No comments:
Post a Comment