Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Regular na bukas ang simbahan ng HRP o Holy Rosary
Parish Boracay tuwing umaga at hapon, may misa man o wala.
Subalit nanatili itong bukas kagabi dahil sa
Valentine’s Day o araw ng mga puso.
Marami kasing mga tinedyer, mag-asawa, lalo na ang may
ka-date at walang ka-date sa Valentine’s Day ang dumalo sa Date with the Lord na
pinangunahan ng HRP Youth Ministry.
Bakas sa mga mukha ng mga ito ang kasiyahan, dahil sa
espesyal at solemneng pakikipag-date ang kanilang naranasan kagabi.
Sentro ng nasabing gawain ang veneration of the
cross o pagsamba, pagnilay-nilay at ang sama-samang pagdarasal.
Sinabi naman ni HRP Team Ministry Mediator Father
Nonoy Crisostomo sa kanyang mensahe na ang paggawa ng kabutihan sa taong
minamahal ang tunay na kahulugan ng pag-ibig.
Samantala dahil marami ang mga dumalo sa nasabing
aktibidad, sinabi ng mga taga HRP Youth Ministry na maaaring yearly o taunan na
ang kanilang Date with the Lord tuwing Valentine’s Day.
No comments:
Post a Comment