Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Bugbog sarado ang inabot ng isang Korean national
matapos nang di umano’y nang-hatak ito ng kwelyo ng damit ng isang babae sa
isang bar sa Boracay.
Nakilala sa blotter report ng Boracay PNP station
ang Korean national na si Je Hoon An, 31, ng Seoul South Korea.
Ayon sa salaysay ng biktima sa pulisya, kasama nito
ang apat pang kaibigan na Korean national na umiinon sa isang bar sa Balabag
Boracay, nang di umano’y mayroong lumapit sa kanya na hindi kilalang lalaki.
Matapos syang pagsabihan na “You grabbed the neck
of a Filipina” at tinatanong umano ito kung kilala nya ang babaeng
nagngangalang “Shanel” ay agad syang sinuntok sa kanyang mukha.
Dahilan para tumakbo umano ito subalit nahuli ng
suspek at saka kinuyog rin ng iba pa nitong mga hindi kilalang kasamahan.
Agad naman na dinala ng mga bouncers sa ospital ang
turista, samantala nagpapatuloy rin ngayon ang imbestigasyon ng Boracay PNP
Station hinggil sa pangyayari.
No comments:
Post a Comment