Pages

Monday, January 06, 2014

Simbahang Katoliko sa Boracay, nagpaabot ng mensahe ukol sa selebrasyon ng 2014 Boracay Ati-Atihan

Ni Mackie Pajarillo, Yes FM Boracay

Nagpaabot ng mensahe ang simbahang katoliko ukol sa nalalapit na selebrasyon ng 2014 Boracay Ati-Atihan.

Ayon kay Fr. Nonoy Crisostomo Team Ministry Moderator ng Boracay Holy Rosary Parish, ang pagbabago sa nasabing selebrasyon ay bunga rin ng ating sitwasyon ngayon sa isla.

Sitwasyon na kung saan maraming turista na maaari nating ipakita ang ating kultura bilang isang Pilipino at isa na rito ang pagiging deboto kay Sr. Sto Niño.

Kaya sa taong ito, sinabi pa ni Fr. Crisostomo na mas maiging i-coordinate lahat ang trabaho kasama ang Brgy. Council ng Balabag at ng Malay Tourism Office.

Ito’y upang mas ma-enhance pa umano lalo at mas mapaganda ang pagdiriwang ng kapistahan ng Sr. Sto Niño dito sa isla ng Boracay.

Samantala, kanya ding sinabi na sana ang selebrasyong ito ay hindi puro inuman at kasiyahan lamang,  bagkus ito ay selebrasyon ng pagpapahayag ng ating pananampalataya at pagkilala sa Poong Sto. Niño.

Idinagdag din nito na sana’y maging mapayapa at mas maging makahulugan ang nasabing pagdiriwang hindi lamang sa mga lokal na turista kundi maging sa mga banyaga din na makakasaksi nito.

Hiniling pa ni Fr. Crisostomo na maging maayos tayong lahat sa bagong taon, at sana kasama ang Niño Hesus sa buong buhay natin at sa mga taon pang dadaan.

No comments:

Post a Comment