Pages

Monday, January 06, 2014

Pagdating ng dalawang cruise ship sa susunod na linggo all set na

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

All set na ang ginagawang paghahanda ng jetty port administration at ng mga concern agencies sa pagdating ng dalawang cruise ship sa susunod na linggo.

Ayon kay Caticlan Jetty Port Special Operation Officer Jean III Pontero, nagsagawa ng pagpupulong kanina ang mga kinauukulan tungkol dito na kinabibilang ng ibat-ibang concern agencies, at ng lokal na pamahalaan ng Malay at ng Provincial Government Unit ng Aklan.

Aniya, ang cruise ship na darating sa Miyerkules ay may pangalang MS Costa Victoria at ang sa araw ng Huwebes naman ay ang MS Europa 2.

Nabatid na dadaan muna sa Puerto Princesa ang MS Costa Victoria at ang MS Europa ay dadaan naman ng Manila bago dumiritso ng Boracay.

Sa kabilang banda inaasahan namang magkakaroon ng island hopping ang mga turistang sakay ng barko at mag-iikot sa mga sikat na lugar sa isla kabilang na sa mga souvenir shops.

Kaugnay nito preparado narin ang gagawing seguridad ng Philippine Coastguard (PCG) at ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) para sa mga bisitang dadayo sa Boracay.

Samantala, higit pa sa sampung mga cruise ship ang inaasahang dadayo sa isla ng Boracay ngayong taon 2014.

No comments:

Post a Comment