Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Sa isinagawang programa kaninang alas nuebe ng
umaga sa Barangay Balabag Plaza, masayang-masaya ang mga operator at drivers nang matanggap ang sertipikasyon.
Ayon naman kay dating Sangguniang Bayan Member at
kasalukuyang E-Trike Program In Charge Dante Pagsugiron.
Malaki aniya ang advantage o pakinabang ng E-Trike
sa mga operator kung ikukumpara sa mga conventional na tricycle.
Bukod sa iwas ‘noise at air pollution’, makakatipid
pa ang mga driver kapag E-Trike na ang kanilang gagamitin.
Kabilang din sa mga nakikipagtulungan sa nasabing programa
ang OIC- ng Globe Telecom na si Annie Mae Dangan, Retail Specialist nito na si
Ma. Corazon Dolar kung saan namigay din ang mga ito ng cellphone sa mga
operators.
Buong suporta at hanga rin umano si BPI Globe BanKo President, John
Rovio sa pagpupursige ng lokal na pamahalaan na maipatupad ang E-Trike sa isla.
Masaya din ang CEO ng Gerweiss Motors Corporation
na si Gerald Beloria na sila ang naging supplier ng mga naturang E-trike.
Sa taong 2015 ay inaasahan na umano ng lokal na
pamahalaan ng Malay na mapapalitan na ang mga traditional tricycle na makikita
sa isla.
No comments:
Post a Comment