Pages

Wednesday, January 15, 2014

Problema sa sanitation sa Caticlan public market, muling napag-usapan sa session ng SB Malay

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Muling napag-usapan kahapon sa session ang problema ng sanitation sa Malay Public market sa baranggay Caticlan.

Sinabi kasi ni SB Member Manuel Delos Reyes sa nakaraang SB sesyon na hindi niya nagustuhan ang sitwasyon ng sanitation ng nasabing palengke dahil sa mga nakakalat na basura at sira-sirang mga lamesa at bubong ng mga tindahan.

Dahil dito muli itong naitalakay sa session kahapon kung saan dinaluhan ito ng Environmental Management Specialist Engr. Tresha Lyn Lozanes at Sanitation Inspector na Ma. Lyn Fernandez.

Ito’y para sagutin ang mga tanong SB Malay kung bakit nagkakaroon ng ganitong problema sa tindahan lalo na at ang bayan ng Malay ang siyang first class Municipality sa buong probinsya ng Aklan.

Samantala, kahit may plano umanong ayusin ang Caticlan public market.

Iginiit parin ni SB Member Jupiter Gallenero na dapat paring ayusin ang sanitation nito dahil ito ang pangunahing binibilhan ng pagkain araw-araw.

Nangako naman si Fernandez na mabibigyan ng solusyon ang problemang ipinaabot ni SB Member Manuel Delos Reyes kaugnay sa sanitation ng Caticlan Public Market. 

No comments:

Post a Comment