Pages

Wednesday, January 15, 2014

OJT Students sa Boracay, ninakawan ng pera at mga gamit

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Dalawang OJT Students ang humingi ng tulong sa Boracay PNP Station matapos ninakawan sa kanilang tinutuluyang Boarding House sa Brgy. Balabag Boracay.

Nakilala ang mga biktima na sina Cherry Tan Rey at Liza Camasis Tariman residente lahat ng Camarines Sur at nag-o-OJT sa isang travel agency dito sa isla.

Ayon sa report ng Boracay PNP, alas- sais kaninang umaga nang madiskobre ng mga biktima na nawawala na ang kanilang mga mahahalagang gamit tulad ng havainas na tsinelas, P1,000 at limang US dollars ganundin ang dalwang flash drives at ilang accessories.

Natuklasan din umano ng mga ito na basag na ang jealousy glass sa ground floor ng kanilang tinutuluyan.

Samantala, sa isinagawa namang follow-up investigation kanina.

Napag-alamang sa nasabing jealousy na bintana dumaan ang mga suspek at saka dumiretso sa 2nd floor para nakawin ang mga gamit doon.

Dahil sa hindi umano naka-locked ang sliding door, napadali ang operasyon ng mga magnanakaw dito.

Samantala, ayon naman sa may-ari ng isang tindahan malapit doon, may nakita umano itong dalawang bystanders o tumatambay malapit rin sa lugar bago ang nasabing insidente.

Patuloy naman sa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad para sa nasabing kaso.

No comments:

Post a Comment