Pages

Wednesday, January 15, 2014

Fiesta de Obreros ng Malay, grand champion sa Street Dancing at Ground Presentation sa “One Town, One Festival” sa Kalibo

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

"One Town, One Festival"
is one of the highlight of
Kalibo Sr. Sto Niño
Ati-Atihan Festival 2014

Grand champion sa street dancing at ground presentation ang Fiesta de Obreros ng Malay sa Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Festival.

Bagay na ipinaabot ng LGU Malay sa pangunguna ni SB Member Rowen Aguirre ang pagbati sa mga Malaynon na lumahok sa nasabing kumpitisyon.

Ang street dancing at ground presentation na tina
wag ding “One Town One Festival ay isa sa mga tampok na aktibidad sa Kalibo Sto. Ati-Atihan na nagpapakita ng ibat-ibang kulay at cultural diversity sa kapistahan sa mga bayan sa Aklan.

Nabatid na sa street dancing category, idiniklara bilang first runner-up at nakatanggap ng P7, 000 ang Panagat Festival ng Buruanga,  habang second runner-up naman at nakatanggap ng P5, 000 ang Bariw Festival ng Nabas.

Ang Fiesta de Obreros ng Malay ang nanalo bilang grand champion at nakatanggap ng P10,000 at P15,000 para sa street dancing at ground presentation.

Para naman sa pangalawang presentasyon, ang second place ay napunta sa Saguibin Festival ng bayan ng Banga at tumanggap ng P10,000, habang ang Pascua sa Malinao festival ang naging third place at tumanggap din ng cash prize na P7,000. 

Kabilang pa sa mga kasaling festival ay ang bayan ng Ibajay na Ati-Ati Festival, Litson Festival ng Numancia at Enchanting ng bayan ng Balete na tumanggap ng Consolation prizes na P2,500.

No comments:

Post a Comment