Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ikinadismaya ng mga taga TREU o Tourism Regulatory
Enforcement Unit ang pambibiktima ng kawatan sa tatlong bakasyunistang Korean
students kahapon.
Isang umano’y illegal na tour guide na naman kasi ang
itinuturong responsable sa nasabing krimen dito sa Boracay.
Nabatid na humingi ng tulong kahapon sa taga TREU ang mga
biktima, matapos umanong tangayin ng tour guide ang kanilang mga gamit.
Bagay na sinamahan ng mga ito ang mga umiiyak na estudyante sa
himpilan ng Boracay PNP upang pormal na maghain ng reklamo.
Ayon sa mga ito, hindi na nagpakita sa kanila ang tour guide
at tinangay pa ang kanilang apat na bag na may lamang pera, cell phones at iba
pang gamit.
Maliban sa mga illegal vendors at ilegal na komisyoner na
pinoproblema ng mga law enforcers sa isla, matagal na ring sakit sa ulo ng mga
taga TREU ang mga ilegal na tour guide sa Boracay.
No comments:
Post a Comment