Pages

Wednesday, January 15, 2014

Ordinansang nag-aamyenda sa regulasyon ng Reef walker o helmet diving sa Boracay, pag-aaralan ng SB Malay

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pag-aaralan ng SB Malay ang ordinansang nag-aamyenda sa operasyon ng Reef walker o Helmet Diving Activity sa bayan ng Malay partikular sa isla ng Boracay.

Ito ay base sa order of business na tinalakay sa Malay SB Session kaninang umaga partikular sa kanilang incoming and referrals.

Base sa nilalaman ng ordinansa magtatalaga ng area ng operasyon para dito at nag-uutos na bigyan ng parusa ang mga lalabag sa nasabing batas.

Para naman mapag-aralan ito, mas minabuti na ipasa ni Malay Vice mayor Wilbec Gelito kay Chairman on Committee on Laws SB Member Rowen Aguirre ang pagsasabatas ng nasabing usapin.

Samantala, sa darating na Martes ay inaasahang muling tatalakayin sa Session ang nasabing ordinansa o Municipal Ordinance No. 314, series of 2012.

Napag-alaman na isa sa mga sikat na water sports activities sa bayan ng Malay at isla ng Boracay ang Reefwalker o helmet diving.

No comments:

Post a Comment