Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Handa na ang mga pasilidad sa Caticlan Jetty Port sa inaasahang
pagdagsa ng maraming turistang dadayo sa isla ng Boracay.
Ito’y kaugnay sa pagdiriwang ng Kalibo Sr. Sto. NiƱo Ati-Atihan
Festival, na kung saang maraming turista ang pupunta sa Boracay matapos ang
nasbing kapistahan.
Ayon kay Special Operation 3 Jean Pontero ng Cagban Jetty Port.
Dalawang X-ray luggage machine ang ginagamit sa jetty port, pero sa
ngayon umano ay isa lang ang kanilang ginagamit dahil dinidepende din nila ito
sa mga pumapasok na turista kung gaano kadami.
Dagdag pa ni Pontero, wala namang problema sa mga machine at pasilidad
ng Caticlan Jetty port at ng Cagban jetty port.
Sa kabilang banda, halos pumalo na umano sa 63, 000 ang tourist arrival
sa isla ng Boracay nitong pagpasok ng bagong taon hanggang kahapon.
Nabatid naman na hihigitan ng Department of Tourism o DOT ang kanilang
target sa tourist arrival ngayon taon kumpara noong 2013.
No comments:
Post a Comment