Ni Bert Dalida,
YES FM Boracay
Ito ang dahilan
kung bakit nagpanic ang mga staff at guest ng Nigi-Nigi Too Resort sa Barangay
Balabag mag-aalas nuwebe kagabi (January 20, 2014).
Natawag din ang
pansin ng mga dumadaan sa beach front dahil sa tunog ng fire alarm ng nasabing
resort.
Nasunog kasi
ang isang private room doon sa second floor.
Ayon sa ilang
mga staff doon, napansin na lamang nila na umuusok at umaapoy na ang nasabing
kuwarto.
Kaagad namang rumesponde
ang mga bombero at mga fire volunteers kung kaya’t mabilis na naapula ang apoy.
Sa inisyal na
imbistigasyon ng mga taga Bureau of Fire Boracay, tinatayang nasa 50 libong
piso ang pinsala ng sunog, habang iniimbistigahan pa ang sanhi nito.
Gawa sa mixed
materials ang nasunog na kuwarto.
No comments:
Post a Comment