Pages

Monday, December 23, 2013

Mahigit kumulang limang sakong buhangin at maliliit na corals, nakumpiska sa Caticlan Airport

Ni Bert Dalida, Yes FM Boracay

Ibinalik na sa baybayin ng Boracay ang mga buhanging nakumpiska sa Caticlan Airport.

Ito ang kinumpirma ni Municipal Auxiliary Police o MAP Deputy Chief Rodito Absalon sa Boracay, kaugnay sa mahigit kumulang limang sakong buhangin at maliliit na corals na narekober mula sa nasabing paliparan nitong mga nagdaang linggo.

Ayon kay Absalon, nakumpiska ang mga nasabing buhangin at corals mula sa mga Pinoy at Foreign Tourist sa isla na nagnanais iuwi ang mga ito bilang souvenirs.

Narekober umano ng mga empleyado ng airport ang mga buhanging nakasilid sa mga bottled water, habang nakasilid naman sa bag ang mga maliit na corals.

Kaugnay nito, muling ipinaalala ni Absalon sa mga turista na huwag nang sumubok pang kumuha ng mga buhangin o anumang bato mula sa baybayin ng Boracay, dahil mahigpit umano itong ipinagbabawal.

Kukumpiskahin parin umano kasi ang mga ito at ibabalik sa Boracay.

Samantala, ayon pa sa mga taga MAP, hahanapan pa nila ng tamang mapaglalagyan ang mga nakumpiskang corals.

No comments:

Post a Comment