Pages

Monday, December 23, 2013

Isang araw bago magpasko DTI Aklan, naka-alerto parin sa presyohan ng mga bilihin

Ni Jay-Ar Arante, Yes FM Boracay


Todo alerto ngayon ang Department of Trade and Industry (DTI) Aklan sa presyo ng mga bilihin isang araw bago sumapit ang pasko.

Ayon sa DTI Aklan, mahigpit nilang binabantayan ang mga presyo ng mga bilihin lalo na ang mga pang noche Buena.

Kasama ng DTI sa pagmomonitor ay ang Department of Agriculture o DA na siya namang tumitingin sa presyuhan ng karne ng manok at baboy na pangunahing hinahanda tuwing pasko.

Sinisiguro naman ng DTI at ng DA na magiging patas ang mga nagbebenta ng kani-kanilang paninda sa mga mamamayan.

Kaugnay nito, dagsa narin ang mga mamimili sa ibat-ibang lugar sa Aklan lalo na sa bayan ng Kalibo.

Siniguro din ngayon ng Aklan Police Provincial Office na magbabantay sila sa mga pangunahing lugar sa probinsya na siguradong dadagsain ng maraming tao.

Mahigpit ding nag-paalala ang mga nabanggit na ibat-ibang ahensya ng gobyerno sa mga magsa-shopping na maging alerto at maging wais sa pamimili lalo na at naglalabasan ang mga mandurukot at manloloko.

No comments:

Post a Comment