Pages

Monday, December 23, 2013

2014 Ati-Atihan Celebration sa Boracay, mas organisado at nasa plano

Ni Mackie Pajarillo, Yes FM Boracay

Mas organisado at nasa plano ang pagdiriwang ng Boracay Ati-atihan sa susunod na taon.
Ayon kay LGU Malay Chief Tourism Officer Felix delos Santos.

Naisa-pinal na sa ginanap na pagpupulong nitong Biyernes ng Malay Municipal Tourism Office, kasama ang Balabag Barangay Council sa pamumuno ni Hon. Lilibeth Sacapaño at ng Holy Rosary Parish Boracay sa pangunguna naman ni Team Ministry moderator “Father Nonoy” Crisostomo ang plano para dito.

Layunin umano ng selebrasyong ito ay upang maipakita sa publiko ang debosyon ng mga Boracaynon kay Sr. Sto Niño at ma i-promote pa lalo sa mga turista ang tradisyon at kultura ng nasabing pagdiriwang.

Ayon pa kay Delos Santos, may mga pagbabago lang ng kaunti sa Boracay Ati-Atihan, pero tuloy pa din naman ang nakagawian nating selebrasyon dito.

Ang pagbabagong nabanggit ay tungkol sa paligsahan na hinati sa apat na kategorya, at ito ay ang Tribal Category, Balik-Ati Category, Commercial/Modern Category, at ang Individual Category.

Magsisimula ang nasabing selebrasyon sa Enero a nuebe sa susunod na taon hanggang sa a dose na siya namang highlight mismo ng 2014 Boracay Ati-Atihan celebration.

Samantala, bagama’t sinabi pa ni Delos Santos na sila sa Municipal Tourism ay nakatutok lamang sa management organization at marketing promotion ng nabanggit na selebrasyon.

Inaasahan din umano nila kasama ang mga bumubuo ng komitiba ng selebrasyon na dadagsain at mas magiging masaya ang Boracay Ati-atihan kumpara sa mga nakaraang taon.

No comments:

Post a Comment