Pages

Monday, November 25, 2013

Mga dayuhang napaulat na nawala sa Boracay noong kasagsagan ng bagyong Yolanda, nakauwi na

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Naka-uwi na sa kani-kanilang bansa ang mga dayuhang napaulat na nawawala sa Boracay noong kasagsagan ng bagyong Yolanda.

Ito’y matapos na walang tigil ang ginagawang paghahanap ng Department of Tourism (DOT) sa mga nasabing mga turista.

Una ng kinumpirma ni DOT Boracay officer In-charge Tim Ticar, ma mahigit sa dalawampung mga dayuhan ang nawala matapos humagaupit ang bagyo sa Visayas.

Ito umano ang mga grupong dayuhang mula sa bansang Spain at Sweden para magbakasyon sa isla.

Nabatid na ang mga ito ay pinaghahanap ng kanilang embahada matapos na hindi sila maka-uwi agad sa kanilang mga tinutuluyang hotel at hindi makontak ng kanilang mga mahal sa buhay noong nanalasa ang bagyo.

Dagdag pa ni Ticar, ikinabahala umano ng kanilang mga embahada ang nangyaring pananalasa ng bagyong Yolanda sa Visayas na ikinasawi ng libo-libong katao.

Kaugnay nito nahanap na rin ang isa pang Estonian National na napabalitang nawawala rin noong kasagsagan ng bagyo sa Boracay at ngayon ay nakabalik na rin sa kaniyang bansa.

Nagpapasalamat naman ang embahada ng bansang Spain at Sweden sa DOT Boracay at sa mga otoridad na tumulong sa mga paghahanap ng kanilang kababayan.

No comments:

Post a Comment