Pages

Monday, November 25, 2013

CENRO Boracay , nagpa-alala sa publiko na magtanim ng mga puno para maiwasan ang climate change

Ni Mackie Pajarillo, Yes FM Boracay

“Sa ngayon tanging pagtatanim ng mga punong-kahoy ang nakikitang solusyon upang maiwasan ang climate change”.

Ito ang sinabi ni CENRO Boracay Officer Norman Dy, ukol sa pagkabahala ng publiko sa isla.

Base kasi sa kanilang personal assessment maraming mga patay na puno ang nalagas sa paghagupit ng bagyong Yolanda kamakailan lang.

Ngunit ayon kay Dy, pinasiguro naman ng gobyerno na sila sa ahensya ay  nagtatanim ng mga puno para maiwasan nga ang climate change.

Pero ipinakiusap nito sa publiko na sana ay tumulong din sila sa pagtatanim ng mga puno dito sa isla kung hindi man ay sumali na lang sila sa mga aktibidad na ino-organisa ng nasabing ahensya ng gobyerno.

Dagdag pa ni Dy, bukàs ang kanilang opisina sa mga nais humingi ng mga seedlings upang ito ay maitanim at ito ay hindi ipinagbibili.

Samantala ang pagtanim daw ng puno ay depende sa lugar, kahit pa daw na madaling tumubo ang puno kung hindi naman ito angkop o suitable sa isang lugar ay mamatay at mamatay pa rin ito.

Kaya nga naman isinama na rin ng mga taga CENRO ang assessment na ito nang sa ganon ay kung bago man itanim ang puno sa isang lugar ay kanila muna itong titingnan kung angkop ba sa lugar o hindi upang matiyak na ito ay mabubuhay.

No comments:

Post a Comment