Pages

Monday, November 25, 2013

Kabuuang pinsala ng bagyong Yolanda sa probinsya ng Aklan, nasa mahigit 2 bilyong piso na ; 13 naitalang patay

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Mahigit dalawang bilyong piso na ang kabuuang pinsala ng bagyong Yolanda sa probinsya ng Aklan, samantala 13 naman rito ang naitalang patay.

Ito ang kinumpirma ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ngayong hapon.

Kaugnay nito, puspusan na umano ang pagsasagawa ng Recovery and Rehabilitation Plan ng PDRRMC para sa mga nasalanta ng bagyo.

Ayon kay PDRRMC Staff Jayfree Jizmundo, nagkakaroon ngayon ng mga pagpupulong ang lokal na pamahalaan at mga international organizations para sa mga magiging hakbang ng nasabing plano.

Target umano ng ahensya na maisagawa ang recovery and rehabilitation plan sa darating na November 28, 2013, kung saan 17 na mga bayan sa lalawigan ng Aklan na naapektuhan ng bagyo ang mabibigyan ng tulong.

Samantala, nagpapasalamat naman ang PDRRMC sa United Nations (UN) at sa mga patuloy na nagbibigay ng tulong para sa mga  biktima ng kalamidad.

Sa ngayon ay tuloy-tuloy parin umano ang ginagawa nilang relief operation para sa mga biktima sa buong lalawigan ng Aklan.

No comments:

Post a Comment