Pages

Tuesday, November 26, 2013

Suplay ng manok at baboy sa Aklan, sapat pa naman ayon sa Department of Agriculture

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay


Sapat pa umano ang suplay ng manok at baboy sa probinsya ng Aklan ayon sa Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Department of Agriculture Monitoring Administration Moises Inamac, hindi naman kukulangin ang manok at baboy lalo na sa pagsapit ng kapaskuhan at bagong taon.

Marami pa umano ang suplay ng mga ito at inaasahang aabot pa hanggang sa pagdiriwang ng kapistahan ni Sr. Sto. NiƱo o Ati-Atihan sa bayan ng Kalibo.

Tiwala naman ang Department of Trade and Industry (DTI) na bababa ang presyo ng manok sa pagsapit ng holiday season.

Pero ayon kay Inamac, may mga supplier na hindi naiiwasang magtaas ng presyo kapag papasok na ang kapaskuhan, dahil sa marami umanong mga kunsumer ang nakakatanggap ng kanilang bonus tuwing Disyembre.

Sa kabilang banda sinabi pa nito na wala namang gaanong naging epekto ang bagyong Yolanda sa mga poultry suppliers.

Inaasahan namang magkakaroon ng pagpupulong ang DTI at ang DA kasama ang mga poultry producers, supermarkets at wet vendors’ market association upang siguraduhing nasa tama ang presyo ng mga karne.

No comments:

Post a Comment