Pages

Tuesday, November 26, 2013

AKELCO, umapela sa mga member consumers na magtipid sa paggamit ng kuryente

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Hinimok ngayon ng AKELCO ang mga member consumers na magtipid sa paggamit ng kuryente.

Ito’y kasunod din ng kanilang apela sa mga malls, bangko, at iba pang malalaking establisemyento na limitahan ang paggamit ng aircon, refrigerator at iba pang appliances na kumukunsumo ng kuryente upang maiwasan ang pag-trip off ng GBPC Power Plant.

Ipinatupad kasi ng nasabing kooperatiba ang manual load dropping sa isinusuplay na kuryente mula sa Nabas (Aklan) ng GBPC o Global Business Power Corporation.

Ayon kay AKELCO Boracay Substation Engineer Wayne Bucala, limitado lang ang isinusuplay na kuryente ng GBPC simula pa nang maibalik ang suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Boracay.

Nilinaw naman ni AKELCO Boracay Substation Engineer Wayne Bucala, na hindi sila ang nag-iiskedyul ng power shut down kungdi ang GBPC.

Apektado ng power shut ang buong Boracay at Malay tuwing ala una ng madaling araw hanggang alas singko ng umaga, dahil hindi pa umano kaya ng GBPC ang pag-suplay ng kuryente dito.

Sinabi pa ni Bucala na mararanasan pa ang power shut down hanggang sa darating na Nobyembre a trenta.

No comments:

Post a Comment