Pages

Tuesday, November 26, 2013

Mga nagtitinda sa beach front ng Boracay na walang permit, tinututukan ng LGU Malay

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Tinututukan ngayon ng LGU Malay ang mga nagtitinda sa beach front ng Boracay na walang permit.

Ayon kay Island Administrator Glenn Sacapaño, matagal narin nila itong problema sa isla, dahil ang iba umano rito ay walang kaukulang business at sanitation permit.

Kaugnay nito, sinabi ni Sacapaño na marapat sundin nalang ang mga ipinapatupad na batas at regulasyon sa isla.

Maliban kasi sa pagmumulta , ay maaaring i-suspinde rin ang kanilang negosyo.

Samantala, payo naman ni Sacapaño sa mga nagtitinda na siguraduhin nalang ang mga permit at sumunod sa batas para sa ikabubuti ng lahat at ng mga turistang dumadayo sa isla. 

No comments:

Post a Comment