Pages

Tuesday, November 26, 2013

AKELCO, itinangging sinabotahi ang suplay ng kuryente sa laban ni Pacquiao nitong Linggo

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Itinanggi ngayon ng AKELO na sinabotahe nila ang suplay ng kuryente sa Boracay nitong Linggo sa laban ni Manny Pacquiao.

Ayon kay AKELCO Boracay Substation Engineer Wayne Bucala, hindi totoong sinabotahe nila ang suplay ng kuryente, kungdi nagkaproblema ang lightning arrester ng GBPC o Global Business Power Corporation na siyang nagsu-suplay ng kuryente dito.

Nilinaw din ni Bucala na kaagad namang bumalik ang suplay ng kuryente dahil kaagad ni-repair ang sira doon, kung kaya’t marami parin ang nakapanood ng laban ni Pacquiao at Rios.

Nabatid na marami sa mga fans ni Manny ang naasar nang magbrown-out sa Boracay, dahil hindi nakapanood ng simula ng kanyang laban.

No comments:

Post a Comment