Pages

Wednesday, October 16, 2013

PNP, PCG at mga bantay dagat, pinulong ng Wallem Philippines para sa arrival ng cruise ship bukas

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay 

Pinulong ng Wallem Philippines ang Malay at Boracay PNP kasama na ang PCG at mga bantay dagat para sa arrival ng cruise ship bukas.

Mismong representative ng Wallem Philippines ang kumausap sa kanila kung paano nila paiigtingin ang kanilang gagawing siguridad.

Ayon naman kay Boracay PNP Chief PS/Insp. Joeffer Cabural, isang daan at labing anim ang ikakalat nilang mga pulis sa dadaaan ng mga bisitang sakay ng barko partikular na sa mga pupuntahan ng mga ito.

Dalawampung coastguard naman ang i-dedeploy sa karagatan kung saan mag-iisland hopping ang mga bisita.

Kabilang din dito ang mga bantay dagat na pangunahing nakapaligid sa napakaling barko para siguriduhin ang kaligtasan ng mga sakay na pasahero.

Mahalaga din ang gagampanan ng Municipal Auxiliary Police (MAP) para ma control ang trapiko at bigyang importansya ang mga turistang bisita parta hindi sila mahuki sa kanilang pupuntahang distinasyon sa Boracay.

Samantala, inaasahang alas singko ng umaga dadating ang cruise ship at babalik ng Maynila patungong China ng alas sais ng hapon sakay ng mahigit 1,271 na pasahero at 973 na mga crew.

No comments:

Post a Comment