Pages

Wednesday, October 16, 2013

Pagdating ng Cruise ship sa Huwebes, puspusang pinaghahandaan ng iba’t-ibang ahensya sa Malay at Boracay

Ni Jay-Ar Arante, YES FM Boracay


Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng iba’t-ibang ahensya sa Malay at Boracay para sa pagdating ng Cruise ship sa Huwebes.

Katunayan, nagkaroon sila ng huling pagpupulong kaninang hapon para pag-usapan ang seguridad at mga maaaring problema sa pagdating nito.

Kabilang naman sa mga dumalo sa nasabing meeting ay ang Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP), Department of Tourism (DOT) at iba pang mga concerned agencies.

Dumalo rin ang representative ng Wallem Philippines para ipabatid ang kanilang pasasalamat sa naging paghahanda ng mga otoridad sa nakatakdang pagdating ng cruise ship.

Nabatid na sa alas singko ng madaling araw darating ang barko at babalik naman alas saes ng hapon sa nasabi ring araw.

Sa ngayon ay patuloy paring isinasagaw ang nasabing pagpupulong para mapag-usapan ang iba pang mga importanteng bagay para sa pagdating ng MS Superstar Gemini sa isla.

No comments:

Post a Comment