Pages

Wednesday, October 16, 2013

Aklan Government, todo pasalamat sa mga tumulong para sa arrival ng MS Superstar Gemini bukas

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Todo ang pasasalamat ng gobyerno ng Aklan sa mga tumulong para sa pagdating ng MS Superstar Gemini bukas sa karagatan ng Boracay.

Ayon kay Jetty Port Administrator Nieven Maquirang, sa ngalan umano ni Aklan Governor Joeben Miraflores ay ipanaabot nito ang pasasalamat dahil sa puspusan ang ginagawang tulong at paghahanda ng lokal na pamahalaan ng Malay at ilang agencies sa Boracay.

Higit naman itong nagpapasalamat sa mga kapulisan kabilang na ang PCG, mga bantay dagat at MAP dahil sa walang tigil na pagtulong.

Aniya, mahalaga ang kapakanan ng mga turistang sakay ng cruise ship kaya kinakailangan umano nilang paigtingin ang siguridad.

Puspusan naman ang ginagawang pagtulong ng Department of Tourism (DOT) sa lahat ng kakailanganin ng mga ito kabilang na ang mga pupuntahan nilang lugar sa Boracay.

Nabatid na unang layunin ng mga pasahero ay ma-experience ang island hopping at mag-shopping sa sikat na mall sa isla.

Sa ngayon all-set na ang mga paghahanda para sa pagdating bukas ng nasabing barko lulan ang mahigit isang libo dalawang daan at pitumput isang pasahero kabilang na ang siyam na raan at pitumput tatlong crew.

Natutuwa naman ang Aklan Government dahil sa patuloy na pagpunta ng mga sikat na barkong panturista sa isla ng Boracay.

Samantala bago magtapos ang taon ito ay isa pang cruise ship ang dadating sa Nobyembre na may pangalang MS Superstar Aquarius.

No comments:

Post a Comment