Pages

Friday, June 21, 2013

RHU-Boracay nagbabala sa pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Nagbabala ngayon ang Rural Healt Unit (RHU) Boracay sa pagtaas ng kaso ng Dengue sa bansa.

Ayon kay Boracay Municipal Health Officer Doctor Adrian Salaver, nagpadala na umano sila ng sulat sa mga baranggay sa bayan ng Malay para paalalahanan ang mga mamamayan na mag-ingat sa paglaganap ng sakit na dengue ngayong panahon ng tag-ulan.

Aniya, kahit wala pa namang naitalang kaso ng Dengue sa Boracay at bayan ng Malay ay dapat paring mag-ingat.

Dagdag pa nito dahil labas pasok umano ang mga tao sa Boracay ay hindi mamomonitor ang mga ito kung may nakakahawang sakit na dengue at iyon ang maging dahilan na pati ang mga taga Boracay ay mahawa.

Samantala, kahit hindi umano sila magbabala tungkol sa nasabing sakit ay kailangan paring maging mapag-matyag ang mga mamamayan lalo na kung malapit sila sa mga ilog o sa matubig na lugar na tinitirahan ng mga lamok.

Paalala pa ni Salaver, dapat laging maglinis ng kapaligiran.

No comments:

Post a Comment