Pages

Friday, June 21, 2013

Gas na ginagamit ng mga fire dancers sa Boracay, nakakasira umano sa buhangin ng isla

Ni Christy dela Torre, YES FM Boracay

Nakakasira sa buhangin ng isla ang gas na ginagamit ng mga Fire Dancers sa Boracay.

Ito umano ang napansin ni DOT Regional Director Helen Catalbas na hindi maganda tungkol sa nasabing aktibidad sa isla.

Kaya naman ayon kay Boracay DOT Officer in charge Tim Ticar, nakatakdang magpulonng ang DOT o Department of Tourism at BFI o Boracay Foundation Incorporated tungkol dito.

Ayon pa kay Ticar, hahanapan umano nila ng paraan na hindi na gumamit ng gas ang mga nasabing fire dancers, upang hindi ito maghalo sa buhangin.

Nakakatiyak umano kasi siya na mayroon namang ibang chemical maliban sa gas na puwedeng gamitin ang mga fire dancers na ito upang maipag-patuloy ang kanilang trabaho.

Aminado rin si Ticar na ang fire dancing ay isa sa mga nagbibigay ng karagdagang atraksyon at saya sa mga turista.

Ngunit kailangan din umanong pangalagaan ang mapuputing buhangin ng Boracay.

Nilinaw din ni Ticar na hindi tatanggalan ng trabaho ang mga fire dancers, dahil ito rin ang kanilang source of income, pero kanila lamang umano itong kokontrolin upang maiwasang ma-pollute ang mga buhangin sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment