Pages

Friday, June 21, 2013

Akelco, handa na sakaling makaranas ng hindi magandang panahon ang probinsya ng Aklan

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Nakahanda na ngayon ang Aklan Electric Cooperative (Akelco) sa banta ng sama ng panahon na nararanasan sa bansa.

Ayon kay Akelco Public Information Officer Rence Oczon, bago pa umano magtapos ang summer season noong nakaraang buwan ay patuloy ang pag-gi-general cleaning ng mga tauhan ng Akelco sa ibat-ibang lugar sa probensya ng Aklan.

Naging limitado narin ngayon ang kanilang isinasagawang power interruption kung saan natapos na nila ng maaga ang kanilang cleaning operation.

Aniya, ilan sa mga inuunang gawin ng Akelco sa ganitong tag-ulan ay ang paglilinis sa linya ng mga kuryente na kung saan may mga sagabal na mga sanga ng punong kahoy na maaring maging dahilan para masagi at maputol ang linya ng kuryente.

Isa lang umano ito sa paghahanda nila tuwing tag-ulan sa bansa para maiwasan ang pagkakaroon ng malaking epekto sa serbisyo ng kuryente sa mga kunsumidor sa probensya ng Aklan.

No comments:

Post a Comment