Pages

Wednesday, June 19, 2013

Mga illegal pipeline sa area ng Bolabog aaksyunan na ng LGU Malay

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Aaksyunan na ngayon ng LGU Malay ang mga ilegal na pipeline na ikinakabit sa drainage system mula sa mga establisymento sa Sitio Bolabog, Balabag sa Boracay.

Ito’y matapos ipaabot ni SB Member Jupiter Gallenero ang ilang reklamo ng mga residente sa nasabing lugar sa isinagawang session sa bayan ng Malay.

Aniya, may mga nagkakasakit nang residente doon dahil sa mga iniinom nilang tubig kung saan ang iba ay nagkakaroon ng skin disease at nahihirapan sa paghinga dahil sa pananakit ng tiyan.

Dahilan umano ito sa mga establisyementong ilegal na mga nagkakabit ng kanilang pipeline mula sa mga istablisyementong katulad ng hotel at mga restaurant sa nasabing lugar.

Dapat din aniyang sa sewerage system na ito kakabit ang mga pipeline.

Ngunit ang iba ay sadyang sa drainage system nagkakabit, na mahigpit na namang ipinagbabawal.

Kung kaya’t dumidiretso lamang sa back beach ang dumi kung saan maraming mga turistang nagkakaroon ng kanilang adventure doon.

Kaugnay nito, sinabi ni Gallenero na makikipag-usap sila sa municipal engineer para magpadala ng isang tao doon upang matingnan ang nangyari at para takpan ang ilang mga bahagi ng dranaige system kung saan naka kabit ang mga nasabing ilegal na pipeline.

No comments:

Post a Comment