Pages

Wednesday, June 19, 2013

Mga illegal na koneksyon sa drainage ng Boracay, aaksyunan na ng LGU Malay

Ni Malbert Dalida, YES FM Boracay

Sisimulan nang aksyunan ng LGU Malay ang mga illegal na koneksyon sa drainage ng Boracay.

Ayon kay Malay Municipal Engineer Elizer Casidsid, nakapagsumite na sa kanila ng report kaugnay sa drainage declogging project ang contractor ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).

Kailangan umano kasi ito upang maaksyunan ng LGU Malay, kung meron mang nakitang illegal na koneksyon sa nasabing drainage.

Nagawan na rin umano nila ito ng program of works, subali’t naabutan ng daw ng banning period dahil sa 2013 midterm election.

Samantala, sinabi pa ni Casidsid na ang declogging project na ito ng TIEZA ay para linisin ang mga drainage sa Boracay.

Kasama na rito ay ang pagsisiyasat kung may mga illegal na koneksyon dito na kailangan namang ireport sa LGU.

Matatandaang maging mismong si DOT 6 Regional Director Atty. Helen Catalbas ay sinabing ang drainage na ito ang isa sa mga itinuturong rason ng pagbaha sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment