Pages

Thursday, June 13, 2013

Boracay Water, kinilala sa kauna-unahang Boracay Day


Kinilala kamakailan ng Munisipalidad ng Malay ang Boracay Water, ang namamahala sa tubig at nagamit na tubig sa Boracay, sa nagdaang Inaugural Day ng Boracay, para sa mahalagang kontribusyon ng kumpanya sa pagtataguyod ng pagpapanatili ng kapaligiran ng nasabing Isla, lalo na sa pagiging kampeon nito sa larangang ng tubig at nagamit na tubig sa Boracay Beach Management Program (BBMP) ng Malay. Isa ang Boracay Water sa apat na pribadong mga kumpanyang kinilala sa nasabing selebrasyon, kasama ang San Miguel Corporation, Boracay Foundation, Inc., at ang Petron Foundation Inc.
 
Ang BBMP ay inilunsad ng Lokal na Pamahalaan ng Malay noong taong 2010 upang pagsama-samahin ang lahat ng Environment Champions na magtutulong-tulong upang planuhin at isakatuparan ang mga proyektong magpapanatili ng ganda ng Isla ng Boracay. Ang Boracay Water ay isa din sa mga pinaka-aktibong taga-suporta ng mga aktibidad na kaugnay ng kauna-unahang Boracay Day sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng tubig sa mga kasapi ng Flores De Mayo sa Boracay at sa pagsuporta sa Pot Session Program, isang aktibidad na naglalayong makapag-prodyus ng mga binhi na maaring magamit para sa rehabilitasyon ng Nabaoy Watershed.
 
Ang Boracay Water ay isa sa tatling subsidiaries ng Manila Water, ang konsesyunaryo sa tubig ng Silangang bahagi ng Metro Manila, na nabuo noong taong 2009 sa pamamagitan ng isang joint venture agreement kasama ang Tourism Infrastructure Authority and Enterprise Zone Authority or TIEZA (noon ay Philippine Tourism Authority) upang mamahala ng tubig at nagamit na tubig sa Isla ng Boracay, Malay, Aklan, partikular na sa tatlong mga barangay nito na Manoc-Manoc, Balabag, at Yapak.

No comments:

Post a Comment